
Boxing Men’s Light Fly 2012
China Boxing team sinakmal ang 13-10 panalo, upang payukurin ang thailand at sungkitin ang kampeonato ng Boxing Men’s Fly 2012 sa dinumog na London Coliseum.
Nagbunyi ang taga suporta ng China nakasaksi sa pamamayagpag ng china sa putputang bakbakan kontra Thailand at sungkitin ang titulo sa ilalim ng mahusay na coach.
Nagsiklab ang sagupaan sa pagpapalitan ng matitinding tirade sa pagitan nina Zou Shimming ng china at Kaeo Pongprayoon. Nanaig ang china team sa ikalawang round ng labanan 4-3.
Nag-init si Zou Shimming sa huling round na nagambag ng pitong(7) puntos na nagdiin sa Thailand.
Bagama’t hindi natanggap ng Thailand ang pagkatalo ay wala ng magagawa pa kundi paghusayan pa sa susunod na bakbakan na kanyang haharapin.
By: Emilio Aguinaldo
Mini Presconference 2018
Mini Presconference pinangunahan ng Chief of Staff na si Andrew Andres naghulma ng salaysay tungkol sa benipisaryo sa pakikilahok ng Isports.
Ayon sa kanya may mga bagay na dapat taglay ng isang manlalaro ,isa dito’y mahuhusayna mentor dahil nakasalalay sa kanila ang kahihinatnan ng kanilang manlalaro, kalawa, kinakailangan din ng atleta ng suporta galing sa komunidad dahil isa ito sa maguudyok sa kanyang determinasyon sa paglalaro.
Ang pakikipaglahok sa isports ay nakakatulong sa pagpapalakas ng pisikal,mental at ispiritwal na kalusugan ng katawan. Nakatutulong din itong mabawasan ang mga karamdaman o sakit tulad ng diabetis, pananakit ng katawan at marami pang iba.
By: Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda